DIREK ANDOY AT ANGELICA copy

ANG daming naiinggit kay Angelica Panganiban dahil isa siya sa iilang Filipino fans ni Adele na nakapanood na ng concert ng British singer. Kasama si Direk Andoy Ranay, dumayo ang dalawa sa Australia para manood ng concert ni Adele sa ANZ Stadium na nasa Sydney Olympic Park.

Kaya maiintindihan ang hugot post ni Angelica na, “Isa kang himala! Isang simpleng pangarap. Madalas kitang pakinggan sa plaka. Manood ng mga kuwento mo. Umiyak at tumawa kasabay mo. Salamat! Habang buhay na ang koneksiyon na meron ako sa ‘yo. Sapat! Sulit! Salamat Ate Adele! Isa kang Henyo, Mahusay at Mabuting tao. #AdeleSydney From PH to Sydney just to witness your awesomeness ninang Adele.”

Sinundan ito ni Angelica ng isa pang hugot post na, “Nakaukit na po ito, mga tita!!! Wala nang mas sasaya pa sa ‘min ngayon. From UAAP to Sydney Arena. May nanalo na!!! Para sa mas marami pang HELLO from the other side... at HELLO baby #PantiPatihanSaSydney.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Tila nagiging concertgoer si Angelica dahil manonood din siya ng Coldplay. Niregaluhan pa nga niya ng concert ticket ang close friend na si Glaiza de Castro. Hindi lang kami sure kung sa Singapore o dito nila panonoorin ang concert ng Coldplay. (NITZ MIRALLES)