Pinasaklolohan ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Qatar ang mga overseas Filipino worker (OFW) na naapektuhan ng sunog sa UCC Labor Camp ng Elegancia Hospitality Group sa Al-Shehaniya.

Sa ulat na tinanggap ng kalihim, mahigit 300 OFW ang nawalan ng mga personal na gamit dahil sa sunog sa tatlong palapag na gusali na tirahan ng mga banyagang manggagawa. Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho bilang mga tagalinis at tea boy. (Mina Navarro)

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal