NAKAHIRIT ng playoff para sa nalalabing semifinals slot ang University of the Philippines nang gapiin ang National University, 5-3, kahapon sa UAAP Season 79 softball championship sa Rizal Memorial Baseball Stadium.Diretso sana sa Final Four ang Lady Maroons, ngunit hindi nila nalagpasan sa quotient ang 7-0 bentahe ng Lady Bulldogs sa kanilang unang pagtutuos noong Pebrero 18.

Tangan ang 5-7 record, haharapin ng UP ang De La Salle sa Huwebes ganap na 9:00 ng umaga para sa karapatan na sumabak sa defending six-time champion Adamson University sa Final Four series.

Nakawala rin sa Lady Archers ang tyansa na outright semis berth nang mabigo sa University of Santo Tomas, 0-9.

Tangang ng Tigresses ang 7-5 karta para sa No.3 slot.

Nanguna ang Lady Falcons na may 11-1 marka nang bokyain ang University of the East, 8-0.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Haharapin ng No.2 seed NU ang UST sa hiwalay na Final Four meeting.

Tangan ng Lady Falcons at Lady Bulldogs ang ‘twice-to-beat’ na bentahe sa semifinal series.

Sa baseball, ginapi ng Ateneo ang Adamson University, 6-4, para makausad sa No.1 seed sa championship.

(Marivic Awitan)