WALA nang dapat patunayan si coach Leo Austria sa kanyang career. Ngunit, maging siya ay tila nasa alapaap pa rin sa labis na kasiyahan matapos makamit ng San Miguel Beer ang ikatlong sunod na All-Filipino title sa PBA.

“This is the highlight of my career. I’ll won a lot of championships before going to the PBA, and this is the best.

All the great players, the great coaches are here,” pahayag ni Austria.

Sa kanyang pamumuno, ang Beermen ang naging ikalawang koponan na nagwagi ng tatlong sunod na All-Filipino title mula nang magawa ng Talk ‘N Text sa pangangasiwa nina coach Chot Reyes at Norman Black.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

At kung papalarin, nakatutok muli ang Beermen para sa isa pang Grand Slam championship.

Sa ngayon, hindi ito prioridad ni Austria. Nais niya munang magsaya at magdiwang sa tagumpay na nakamit.

Sa darating na import-laden conference, inamin ni Austria na mahirap ang kampanya ng koponan.

“Mahirap manalo sa import-laden conferences. Our advantage in the all-Filipino is June Mar Fajardo, pero nababawasan ‘yun dahil sa mga import, sana makakuha kami ng import na kayang tapatan yung import ng kalaban,” sambit ni Austria.

“Sa mga past experience namin we have some struggles after naming manalo ng all-Filipino. I hope this time, natuto na kami at alam na namin ang dapat gawin.We’re not thinking of Grand Slam because we’re the only team with the chance to win that, but we’re taking it one game at a time.” (MARIVIC AWITAN)