NAKAMIT ng Naxional, pinangungunahan ni actor Daniel Matsunaga, ang karapatan na maging kinatawan ng bansa sa Neymar Jr’s Five world championship nang gapiin ang Tondo FC nitong Sabado sa SPARTA ground sa Mandaluyong City.
Naungusan ng grupo ni Matsunaga ang karibal sa pinakabagong football tournament na binubuo ng limang player at maglalaro sa loob ng 10 minuto. Sa bawat goal na makuha, isang player ang aalisin sa talunang karibal.
“It’s fast, technical, and tactical,” sambit ni Matsunaga, isang Brazilian national.
Kabuuang walong koponan – Laro, Underground, Strafford, Kidzania, El Retiro, Naxional, Tondo FC at Manila Tala – ang sumabak sa championship round. Kasama rin sa koponan sina Miguel Artillera, Roberto Orlandez, Ahmed Hwedi, at dating ULF Stallion member na sina Hector Zaghi, at Mark Daniel Rivera.
Isinagawa rin ang FutKal Freestyle Football Championship na pinagwagihan ni Dennis Lucito.
“We are very excited.It proves that us Filipinos can play internationally. It’s a good experience for us. Neymar is a world class player and we want to learn. He is an inspiration for us!” pahayag ni Matsunaga.