MAPAPANOOD na ang pinakaabangang Korean drama, ang Love in the Moonlight simula ngayong gabi sa ABS-CBN.

 

Bida ang break-out loveteam nina Park Bo Gum at Kim Yoo Jung, dalawa sa pinakamainit at pinakasikat na Korean stars ngayon, sa Love in the Moonlight na isa sa pinakamatagumpay na serye sa Korea noong 2016 at humakot ng maraming parangal tulad ng Best Couple, Best Excellent Actress, at Best Actor awards sa 2016 KBS Drama Awards at Best New Actress award naman para kay Yoo Jung mula sa 2016 APAN Star Awards.

Hinirang din kamakailan si Bo Gum bilang most influential Korean star at nanguna sa listahan ng 2017 Top 40 Power Celebrity list ng Forbes Korea.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

 

Sundan ang nakakakilig na kuwento ng Crown Prince Lee Yeong (Park Bo Gum), isang rebel prince na naghahangad ng pagbabago para sa kanyang nasasakupan at ni Hong Ra-On (Kim Yoo Jung), isang ordinaryong babae na gagawin ang lahat para makita ang kanyang ina kahit magpanggap pa siya bilang isang lalaki.

 

Agad nagkabangga sa unang pagkikita pa lang ang dalawa nang mapagkamalan ni Lee Yeong na si Ra-On ang nagpapadala ng sulat para sa nakababatang kapatid nito.

 

Muli silang maghaharap nang ipinagbili si Ra-On ng kanyang pinagkakautangan para maging Eunuch o isang all-around servant at katiwala sa palasyo.

 

Susubukang tumakas ni Ra-On, ngunit makikita siya ni Lee Yeong. Para makapaghiganti, gagawin ni Lee Yeong ang lahat para lang pumasa si Ra-On at maging Eunuch niya. Lingid sa kaalaman ng nagpapanggap lalaki na si Ra-On, ang lalaking kinaasaran niya ay ang mahal na prinsipe pala.

 

Ano ang gagawin ni Ra-On kapag nalaman na si Lee Yeong ang crown prince? Paano mabubunyag kay Lee Yeong ang tunay na pagkatao ni Ra-On? Hanggang kailan nila kayang labanan o itago ang nararamdaman para sa isa’t isa?

 

Bibigyan kulay din ni I Love OPM grand winner Yohan Hwang ang love story nina Lee Yeong at Ra-On sa pagkanta niya ng Korean version ng Ikaw ni Yeng Constantino na siyang theme song ng programa.

 

Huwag palalampasin ang premiere ng Love in the Moonlight ngayong gabi pagkatapos ng A Love to Last, sa Primetime Bida ng ABS-CBN.