Nangangamba ang grupo ng magsasaka mula sa Luzon, Visayas at Mindanao sa posibilidad na kapusin ang supply ng bigas kapag nabigo ang National Food Authority (NFA) na maipasok sa bansa ang walong milyong sako ng bigas mula sa Thailand at Vietnam.

Sa isang pulong sa Quezon City, sinabi ni Edwin Paraluman, ng Farmers' Advisory Board (PFAB) at NFA Council member, na pinalawig ni NFA Administrator Jason Laureano Aquino hanggang Marso 31, 2017 ang rice importation mula lamang sa India at Pakistan, at hindi kasama ang iba pang rice importing countries gaya ng Thailand at Vietnam.

Iniulat na ang mga magsasakang kasapi ng kooperatiba ay nakapagpaunang bayad na ng 35% sa taripa para sa bawat isa sa walong milyong sako ng inangkat na bigas.

Aniya, posibleng magkaroon ng kakapusan sa bigas hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa ibang bahagi ng Pilipinas, at kasunod nito ay maaaring tumaas ang presyo nito. - Jun Fabon

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga