MOGADISHU (Reuters) – May 110 katao ang namatay sa katimugan ng Somalia nitong nakalipas na dalawang araw dahil sa taggutom at pagtatae bunsod ng tagtuyot, sinabi ng prime minister nitong Sabado.

Inihayag ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) noong Pebrero na ang tagtuyot sa Somalia ay maaaring magresulta sa matinding malnutrisyon ng 270,000 bata ngayong taon.

“Some people have been hit by famine and diarrhea at the same time. In the last 48 hours 110 people died due to famine and diarrhea in Bay region,” saad sa pahayag ng opisina ni Prime Minister Hassan Ali Khaire.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na