Pokwang copy copy

MASAYANG-MASAYA si Pokwang na isa siya sa mga kasali sa I Can Do That, ang bagong game show ng ABS-CBN. Sabi ng komedyanang aktres, siya ang pinaka-senior sa kanilang walong magkakasama pero hindi raw siya basta-basta magpatatalo dahil kung kaya ng mga kasama niya ang anumang challenges ay kakayanin din niya.

Kung napapansin niyang sobrang seryoso ang kapwa ‘I Candidates’ ay hindi naman siya ‘yung tipong sobrang pahihirapan ang sarili sa lahat ng mga ipinapagawa sa kanila.

Ipapakita pa rin niya ang Pokwang sa tunay na buhay. Kaya ‘yung typical na Pokwang na nagugustuhan ng fans niya ang mapapanood sa kanya ng televiewers.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Ako pa rin ang Pokwang na napapanood nilang masaya kahit na sobrang hirap na ang ‘pinapagawa nila sa show namin,” sey niya.

Sa estado niya ngayon sa pelikula at telebisyon ay may karapatan na rin naman siguro siyang magreklamo sa mga ibinibigay na proyekto sa kanya. Kumbaga, hindi na kailangang isama si Pokwang sa show na napakaraming bida. Pero kinontra ito ni Pokie. Nagustuhan daw niya nang husto ang concept ng I Can Do That.

“Nang in-offer sa akin ‘yan, eh, agree agad ako, gustung-gusto kong gawin na para bang kakaibang challenge ito sa career ko,” napatawang banggit ni Ms. P at idinagdag na maraming “buwis-buhay” silang gagawin sa show.

Gayunpaman, andun pa rin lagi ang ibayong pag-iingat niya.

“Pangarap ko pa rin naman makabuo kami ni Lee (O’Brien). Gustung-gusto kong magka-baby,” napangiting lahad ni Pokwang.

Noong 2015 ay muntik na silang makabuo pero nakunan ang aktres. Hindi siya nawawalan ng pag-asa. Kung kalooban naman daw ng Diyos ay walang imposible. (JIMI ESCALA)