KALIBO, Aklan - Nangakong magbibigay ng P10,000 pabuya ang chairman ng Barangay Tinigaw, Kalibo sa makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa sumaksak sa tatlong alagang baka.

Ayon kay Rolando Reyes, Sr., chairman ng Bgy. Tinigaw, pinaiimbestigahan na niya sa Kalibo Police ang pananaksak sa mga bakang pagmamay-ari ng isa niyang kabarangay.

Napag-alaman na buhay pa ang tatlong sinaksak na baka pero nagdesisyon ang hindi kinilalang may-ari sa mga ito na patayin na lamang ang mga ito dahil sa masamang kondisyon ng mga hayop. (Jun N.Aguirre)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito