Pinabulaanan ni Pangulong Duterte ang anumang cover-up ng gobyerno sa kaso ng pork barrel scam upang umano’y tulungan si dating Sen. Juan Ponce Enrile.

Pinangangatawanan ng Presidente na hindi siya makikialam sa mga legal na proseso na sumisiyasat sa paggamit ng mga pampublikong pondo, sa kanyang paglilinaw sa mga espekulasyong lumitaw makaraang makipagpulong siya kay Enrile.

“Lalabas talaga ‘yan kasi ano ‘yan, eh, hindi mo mapigilan ‘yan. COA (Commission on Audit) will always hanker for that, then after they file cases, what can I do? Maski na gusto kong mag-cover-cover diyan, if it’s public, then ano’ng magawa ko?” sabi ni Duterte sa interbyu sa kanya ng media nang dumalaw siya sa Cebu nitong Huwebes.

Nang tanungin kung humingi ng tulong sa kanya si Enrile para sa mga kaso nito, ang sabi ni Duterte: “Sa akin? Ako?

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Maghingi ka ng tulong sa ’kin? No, of course not.”

Nakipagkita sa Presidente si Enrile, na nakalalaya ngayon dahil sa piyansa habang pending ang plunder trial, sa

Malacañang nitong nakaraang Miyerkules. Sinabi ng Palasyo na ang pagkikita ay simpleng social call lamang at nagbigay si Enrile ng sulat at tatlong libro sa Presidente.

Inamin ni Duterte na binigyan siya ni Enrile ng payo sa ilang problema ng bansa sa seguridad. Sinabi niya na napag-usapan nila ang kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs, sa nabimbing usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista, at sa terror threats. (Genalyn D. Kabiling)