Dinakip ng mga pulis ang tatlong katao, kabilang ang dalawang babae, dahil sa paglalaro ng “tong-its” sa Taguig City, nitong Huwebes.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling ang mga suspek na sina Francisco Bajeta y Briones, 54, tubong Batangas, ng No.118 Makiling Street, Palar Village, Barangay Pinagsama Taguig City; Rebecca Constantino y Canullas, 41, tubong Pangasinan, ng Block 1, Lot 56, AFP Housing, Phase 2, Bgy. Pinagsama; at Jessielyn Arcaya y Alo, 47, tubong Butuan City, ng 10th Avenue, HHSG, North Signal.

Base sa imbestigasyon, dakong 1:30 ng hapon inaresto ng mga pulis ang tatlong suspek na abala sa pagsusugal sa C-5 Service Road northbound, Bgy. Pinagsama, Taguig City.

Narekober sa tatlo ang baraha at P484 cash na sinasabing “pusta”. (Bella Gamotea)

House Sergeant-at-Arms kay VP Sara: 'Pinagbigyan pero sumobra!'