Bukod sa pagiging kayumanggi, pagkakaroon ng sarat na ilong at bilugang mata, pagmamahal sa wika ang buong pusong ipinagmamalaki ng bawat Pilipino.

Saan ka man mapadpad sa tatlong bituin; Luzon, Visayas at Mindanao, maririnig kay “Juan” ang 130 wika na bumuo at nagpatibay sa Perlas ng Silangan.

At sa pagnanais na mas mabigyan pa ng halaga ang wika at mga makabuluhang pangyayari sa Pilipinas, inilunsad kamakailan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang isang proyekto na magdadambana sa mga katutubong wika sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga istruktura.

“Pangunahing gampanin ng KWF na palaganapin ang wika. Pangalagaan at itaguyod ito. At isa sa mga paraan na ito ay ang pagtatayo ng Bantayog-Wika,” ani John Enrico Torralba, ng KWF.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Itatayo sa iba’t ibang dako ng bansa at nauukitan ng sari-saring dayalektong Pilipino, ang Bantayog-Wika ay pagdadambana sa intangible cultural heritage ng bansa, ayon kay Torralba.

Idadaan sa kumpetisyon ang pagdidisenyo sa mga Bantayog-Wika, at ang mapipili ay tatanggap ng P80,000.

(Ellaine Dorothy S. Cal)