NASA unahan ang defending champion National University at De La Salle matapos ang apat na round ng UAAP chess tournament kahapon sa Henry Sy Sr. Hall sa De La Salle University campus.

Sa pamumuno ni reigning MVP IM Paulo Bersamina at FM Austin Jacob Literatus, humataw ang Bulldogs sa 18 puntos.

Sinandigan naman ang Lady Archers nina last year MVP WIM Bernadette Galas at WFM Marie Antoinette San Diego para sa kabuuang 19.5 puntos mula sa limang panalo at isang tabla.

Nakabuntot ang FEU na may 16 puntos habang pumapangatlo naman ang.University of Santo Tomas na may 14.5 puntos at pumapang-apat ang La Salle at University of the East na may tig-12.5 puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nanatili namang pinakamalapit na katunggali ng Lady Archers’ ang Lady Tamaraws, na pinangungunahan nina WGM Janelle Mae Frayna at WFM Shania Mae Mendoza, sa natipon nitong 18.5 puntos.

Nasa ikatlong posisyon ang Adamson University na may 14 puntos kasunod ang Tigresses at Lady Warriors na may tig-13 puntos. (Marivic Awitan)