ARCI AT GERALD copy copy

MULING pagtatambalin ng Star Cinema sina Gerald Anderson at Arci Muñoz sa Can We Still Be Friends. Marami ang excited sa muling pagsasama ng dalawa dahil ni-request nila ito sa Star Cinema.

Nag-storycon na para sa bagong pelikula nina Gerald at Arci na ididirehe ni Prime Cruz.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Una silang nagtambal sa Star Cinema movie rin na Always Be My Maybe na idinirehe ni Dan Villegas at ipinalabas noong February 24, 2016. Surprise hit ito sa box office na lumampas sa P100M mark.

Wala pang balita kung kailan ang playdate ng Can We Still Be Friends, pero tiyak na this year ito ipalalabas. Rom-com movie ito pero iba ang age range at mas malalim siguro ang hugot.

Samantala, tuluy-tuloy ang training ni Gerald para sa LA Marathon na kanyang sasalihan na naka-schedule sa Marso 19.

Grabe, walang kapaguran ang aktor na tumakbo, mag-bike at iba’t ibang klase ng workout.

Kabilang sa training ni Gerald ang Sige Takbo! Anderson’s Road To Skechers LA Marathon sa Mckinley West Park, Taguig City sa Marso 5. (NITZ MIRALLES)