ARJO AT COCO copy

Tatapusin na nga ba ang FPJ’s Ang Probinsyano? Paano kung ayaw pa ng mga manonood?

Sa ganda ng takbo ng kuwento ng FPJ’s Ang Probinsyano, hinihiling ng mga tagasubaybay nito na huwag munang tapusin.

Sa umeereng kuwento ng aksiyon serye, paliit na nang paliit ang mundong ginagalawan nina Cardo Dalisay (Coco Martin) at Joaquin Tuazon (Arjo Atayde). Nitong nakaraang Lunes, nagkaroon na sila ng engkuwentro bagamat hindi pa sila nagkasolohan.

Trending

Reklamo ng isang ina sa guro: tinali na, tinapalan pa ng tape bibig ng anak niya?

Makapigil-hininga ang umereng eksena at katunayang inabangan at pinanood talaga ang itinalang ratings nitong 42.8% kumpara sa katapat nitong Encantadia na nakakuha ng 25.8%.

Tila namimingit na rin si Joaquin at isa sa mga araw na ito ay puwede na siyang magapi ni Coco base sa Instagram post niyang, “Sa totoo lang na-miss kita kaeksena, bro. Masaya akong naka-bonding uli kita. Bye-bye Joaquin na nga ba? Alamin mamaya sa #FPJAPBanggaan.”

Baka habang binabasa ito, nagbabu na nga si Joaquin. O may twist pa kaya?

Marami ang natuwa sa eksenang naghahabulan sina Cardo at Joaquin sa dagat sakay ng speed boat na parang pelikula at makatotohanan. Sobrang intense ng Probinsyano boys sa nasabing habulan na kinunan sa Nayomi Resort sa Batangas.

Pagkatapos ng shooting, nagkaroon ng bonding moment ang grupo. Ang caption ni Arjo sa post ulit na nakalubog sila sa tubig, “One of the best days of my life. @nayomiresort @dynamiteaquasports at definitely not a fake laugh.”

Maging ang direktor na si Avel Sumpongco ay pinuri ni Arjo, “Isa ka sa mga pinakamabait na taong nakilala ko, Direk, napakasarap mong kasama, at salamat sa pag-alaga. Love you, Direk Avel! Cheers more adventures for us! #TeamPromdi for life. Enjoy your day!”

Inaamin ng aktor na sa Ang Probinsyano nahasa nang husto ang pag-arte niya gamit ang mga mata, kaya labis-labis ang pasasalamat siya sa buong team at sa Dreamscape Entertainment.

Hindi rin naman niya nakakalimutan ang mga seryeng E-Boy, Dugong Buhay at Pure Love kaya napansin na siya bilang Arjo Atayde. (REGGEE BONOAN)