Selena at The Weeknd copy

NAMATAAN ang magkasintahan na sina Selena Gomez at The Weeknd sa kanilang romantic date night sa labas ng La Réserve, isang five-star luxury hotel sa Paris, France nitong Lunes.

Elegante ang 24-anyos na Hands to Myself singer sa kanyang sleeveless na itim na turtleneck sweater dress at naka-ponytail ang kanyang buhok. Samantala, mas casual ang suot ng 27-anyos na Starboy singer sa kanyang tan jacket at itim na ball cap.

Magkasamang lumabas ang magkasintahan sa hotel at nagkaroon ng escort nang sumakay sa itim na kotse.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nakarating ang dalawa – na namataan na rin sa ilang date nila sa Los Angeles at Italy sa nakaraang dalawang buwan – sa kilalang romantic city ilang araw bago nagsimula ang Paris Fashion Week nitong Martes.

Habang nag-i-enjoy ang dalawa sa kanilang date, ilang dipa lang ang distansiya ng ex-girlfriend ni The Weeknd na si Bella Hadid mula sa kanila.

Namataan si Hadid sa labas ng Hotel George V suot ang pulang trench coat at knee-high na itim na boots, at fur hat.

Natapos ang halos isang taong relasyon ng 20-anyos na modelo ng Victoria’s Secret at ng False Alarm artist noong Nobyembre. Kamakailan, ibinahagi ni Hadid ang tungkol sa hiwalayan nila ng singer sa Teen Vogue, at sinabing “(I) always love him.”

“Sometimes you want to be sad about it or handle it differently,” ani Hadid, “but at the end of the day, you never want to burn a bridge that you’ve fought so hard to build.” (ET Online)