Bill copy

PUMANAW na si Bill Paxton sa edad na 61. Napanood ang beteranong aktor sa pumatok na mga pelikulang Apollo 13, Twister, Big’s Love ng HBO at sa TV adaptation ng Training Day ng CBS kamakailan.

Nalaman ng ET mula sa source na may sakit sa puso si Paxton at sumasailalim sa operasyon bago pumanaw. “It is with heavy hearts we share the news that Bill Paxton has passed away due to complications from surgery,” saad sa pahayag ng kinatawan ng kanyang pamilya.

“A loving husband and father, Bill began his career in Hollywood working on films in the art department and went on to have an illustrious career spanning four decades as a beloved and prolific actor and filmmaker. Bill’s passion for the arts was felt by all who knew him, and his warmth and tireless energy were undeniable. We ask to please respect the family’s wish for privacy as they mourn the loss of their adored husband and father.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nagsimula maging aktor ang tubong Texas noong 80s sa ilang supporting roles sa pumatok na mga pelikulang tulad ng The Terminator (1984), Weird Science (1985), at Aliens (1986). Nagkaroon siya ng pitong nominasyon sa Academy Award at 11 nominasyon sa Saturn Award, kabilang ang pagkapanalo ni Paxton para sa Best Supporting Actor, na nakatulong nang husto sa kanyang career.

Nakasama niya sina Charlie Sheen, Patrick Swayze, Val Kilmer at Danny Glover sa Predators 2, na naging daan para lalo siyang makilala sa sci-fi world. Sa katunayan, siya ang tanging aktor na lumabas sa Alien, Predator, at Terminator franchise. (ET Online)