foot copy

MULING sumiklab ang aksiyon sa Neymar Jr. Five nitong weekend na nagtampok sa apat na koponan – Manila Tala, Strafford FC, Baggie FC at Naxional -- mula sa 12 kalahok ang umusad sa finals na gaganapin sa SPARTA sa Mandaluyong City.

Pinangunahan ni actor Daniel Matsunaga, isang Brazilian national, ang matagumpay na ratsada ng Naxional South American Diner.

“It’s football, I have loved it since I was a kid and I always find time to play. It’s exciting to have these kind of tournament in the Philippines, “sambit ni Matsunaga. Walong koponan ang sasabak sa Finals sa Marso 4, kabilang ang Naxional, Baggie FC, Strafford FC, Manila Tala (Qualifier B), gayundin ang Underground, El Retiro, Kidzania, at Laro, pinangungunahan ni football star Anton Del Rosario (Qualifier A).

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo