DELRAY BEACH, Fla. (AP) — Naisaayos nina Milos Raonic at Jack Sock ang championship duel sa Delray Beach Open championship nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Ginapi ng top-seeded na si Raonic, ranked fourth sa world, si No. 7 seed Juan Martin del Potro 6-3, 7-6 (6), habang nagwagi si Sock, seeded third at ranked 21st, si Donald Young 6-4, 7-6 (2) sa hiwalay na semifinal match.

Tangan ni Raonic ang service play sa 6-5 iskor sa second set nang mabigo siya sa unang pagkakataon, sapat para maagaw ni Del Potro ang bentahe sa tiebreak. Ngunit, nagawang makaiskor ni Raonic ng tatlong sunod na laro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!