MAPANATILI ang pamumuno at imakuladang marka, tatangkain ng Racal na maisama sa kanilang naigupo ang Jose Rizal University sa pagpapatuloy ng 2017 PBA D League Aspirants Cup ngayon sa JCSGO gym sa Cubao.

Hawak ng Tile Masters ang solong pangunguna taglay na barahang 5-0 kung kaya’t liyamado sila sa laro laban sa Heavy Bombers ganap na 5:00 ng hapon.

Mauuna rito, magtutuos ganap na 3:00 ng hapon ang AMA Online Education at ang Wang’s Basketball.

Halos dalawang linggong nabakante ang Racal na huling naglaro kontra Tanduay noong Pebrero 14.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Sa unang laro, papatunayan ng AMA na kayang masundan ang naitalang panalo sa kabila ng pagkawala ng lider na si Jeron Teng, sa pakikipagtuos sa Wang’s Basketball sa 3:00 ng hapon. (Marivic Awitan)