Duguang bumulagta ang isang 51-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang armado sa harap ng kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dahil sa mga tama ng bala ng baril sa katawan, dead on the spot si Dominador Bermudez, ng 646-A Instruccion Street, Sampaloc.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 1:45 ng madaling araw nangyari ang pamamaril sa harap mismo ng bahay ng biktima.

Batay sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera sa Barangay 547, Zone 54, lumilitaw na nakatayo at nagpapahangin si Bermudez sa harap ng kanyang bahay nang pagbabarilin ng suspek na tumakas lulan sa isang puting van (AAK-2129).

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Narekober sa pinangyarihan ang apat ng bala ng ‘di pa matukoy na kalibre ng baril, isang shoulder bag na may lamang identification (ID) card ng isang babaeng nagngangalang Isa Villaflor, at mga personal na gamit.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Mary Ann Santiago)