Binalasa ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar R. Dulay ang 40 field official nito sa buong bansa bilang bahagi ng tax collection enhancement program.

Dalawampu’t walo sa mga opisyal na ito ay revenue district officer (RDO) na mga front liner sa paglilikom ng target na P1.829 trilyon koleksiyon ng ahensiya ngayong taon.

Sinabi ni Dulay na ang patuloy na rigodon ng mga tauhan ay naglalayong mapabuti ang tax collection, at mailagay ang mga tamang tao sa tamang posisyon. (Jun Ramirez)

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang