SUBIC BAY – Ginapi ng kambal na sina Rey Jr. at Relan taneo ng Perpetual Help ang tambalan nina Sam Damian at Alfredo Pagulong ng Mapua, 21-17, 21-13, para makausad sa men’s final ng 92nd NCAA beach volleyball tournament kahapon sa Subic Bay sands sa Subic Park Hotel.

Naitala ng magkapatid na Taneo ang ikasiyam na sunod na panalo para muling makabalik sa final at nabigyan ng pagkakataon na maipaghiganti ang kabiguang natamo sa nakalipas na season kontra sa defending champion Mapua.

“We were blessed to have been given a chance at winning the championship, we hope to take advantage of it this time,” pahayag ni Relan.

Makakaharap ng Las Pinas-based school ang mananalo sa playoff series sa pagitan ng Lyceum of the Philippines, Mapua at Emilio Aguinaldo.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Magtutuos ang Mapua at EAC sa knockout showdown sa unang stepladder semis at ang magwawagi ay haharap sa LPU na may tangan na ‘twice-to-beat’ na bentahe.

Namumuro naman ang tambalan nina Grethcel Soltones at Alyssa Eroa ng San Sebastian para sa ikaapat na sunod na titulo sa women’s side matapos gapiin ang karibal na sina Maria Jeziela at Maria Nieza Viray ng San Beda, 33-31, 21-14, para makumpleto ang nine-game sweep sa elimination round.

“We have a goal of winning again this year and we’re focused on accomplishing it whatever happens,” sambit ni Soltones, three-time MVP sa indoor volleyball.

Magtutuos ang No. 3 Perpetual Help at No. 4 Jose Rizal sa do-or-die showdown para makaharapa ng No. 2 San Beda sa stepplader.