Lumang modelo ang bus ng Panda Coach Tours and Travel Corporation na nasangkot sa aksidente sa Tanay, Rizal na ikinamatay ng 15 katao, karamihan ay estudyante, noong Pebrero 19, inihayag ni Land Transportation and Franchising Regulatory Board ang (LTFRB) chairman Martin Delgra III.

Napag-alaman sa LTFRB na inirehistro ng Panda Coach ang kanilang prangkisa 13 taon na ang nakalipas.

Kaugnay niyo, sinabi ni Delgra na magpupulong ang LTFRB at ang Land Transportation Office (LTO) para sa isapinal ang mga hakbang na tanggalin ang mga pampublikong sasakyan na 15 taon nang pumapasada. (Jun Fabon)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji