Handa na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ibigay ang financial assistance sa libu-libong nabiktima ng supertyphoon ‘Yolanda’ noong 2013.

Kinumpirma ni DSWD Region 6 director Lisa Camacho na naglaan ang pamahalaan ng P1 bilyon upang mabigyan na ng tig-P5,000 financial assistance ang bawat pamilya, na hindi pa nakatanggap ng emergency shelter assistance (ESA) sa nakalipas na administrasyong Aquino. Saklaw nito ang Regions 6, 8 at 4-B. (Rommel P. Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'