230217_PRRD_at_KnightOfRizal_03 copy

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang 1986 EDSA People Power Revolution ay kumakatawan sa lahat ng Pilipino na naniniwala sa demokratikong pamumuhay, at hindi sa iisang grupo, ideolohiya o relihiyon.

“It was a movement of, by, and for the Filipino people brought about by their profound love of country. No single party, ideology, religions or individual could claim credit for the bloodless revolution of EDSA, in the same way that no single party, ideology, religion or individual could claim a monopoly of patriotism,” aniya.

Sa pagdiriwang ng bansa sa ika-31 anibersaryo ng mapayapang rebolusyon, hinikayat ng Pangulo ang mamamayan na “renew our energies and do our share” sa pagtatag ng mas maganda at maayos na kinabukasan para sa bansa.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“True heroes, after all, are found in every one of us who do, with each passing day, our quiet work of nation-building — dutifully, joyfully, passionately — in spite of our occasional differences,” sabi ng Pangulo sa mensaheng binasa ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa EDSA memorial rites sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Hindi dumalo ang Pangulo sa simpleng seremonya para sa EDSA sa military headquarters at sa halip ay ipinadala si Medialdea bilang kanyang kinatawan. Nasa Davao City ang Pangulo para sa ilang public engagement.

SIMPLE LANG

Hinikayat naman ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang lahat ng mga parokya sa Archdiocese of Manila na magdaos lamang ng simpleng paggunita sa ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power revolution ngayong Sabado, Pebrero 25.

“We give every parish the freedom to plan and organize its commemoration with simplicity but depth,” saad sa circular ni Tagle. (GENALYN D. KABILING at MARY ANN SANTIAGO)