BEIJING (AP) — Itinalaga ng Chinese Basketball Association si basketball Hall of Famer Yao Ming bilang bagong pangulo ng liga.

Sa opisyal na social media account ng CBA, ipinahayag umano ni Yao ang planong ireporma ang draft system at palakasin ang hanay ng Chinese player para sa international arena.

Ang pagkakatalaga kay Yao ay bahagi ng pagbabago na isinusulong ng liga na matagal nang pinangangasiwaan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Itinuturing moog ng China at ng buong Asya si Yao bilang isang natatanging atleta na napabantog sa NBA bilang top pick ng Houston Rockets noong 2002. Naglaro ang 2.29-meter (7-foot-6) center ng walong season sa NBA bago nagretiro noong 2011 bunsod ng injury.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nailuklok ang Shanghai-born na si Yao sa Hall of Fame nitong 2016.