Dahil hindi maibenta ang mga ninakaw na kable, nagpasyang sumuko na lang sa mga pulis ang lalaki na nanloob sa isang pabrika sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Police Chief Inspector Rhoderick Juan, head ng Station Investigation Detective Management Branch (SIDMB), kasong robbery ang isinampa laban kay Daniel Tanghal, 23, ng Block 2, Building 102, Disiplina Village, Barangay Bignay ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Richard Bautista ng Station Investigation Unit (SIU), noong Pebrero 16, pinasok ng suspek ang Jexxon Corporation sa Mariano Street, Bgy. Bagbaguin, Valenzuela City.

Isa-isang tinangay ng suspek ang malalaking kable na ginagamit sa jack hammer at pagwe-welding na nagkakahalaga ng P40,000.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ngunit, makalipas ang limang araw, hindi umano maibenta ni Tanghal ang mga ninakaw kaya nagdesisyon siyang sumuko sa Police Community Precinct (PCP) 10.

Sa pagsuko ni Tanghal ay inamin niya na may dalawa pa siyang kasama ngunit hindi niya sinabi ang mga pangalan nito.

(Orly L. Barcala)