KUALA LUMPUR (AFP) – Nais kuwestyunin ng Malaysian investigators ang isang North Korean diplomat kaugnay sa pagpaslang sa half-brother ni Kim Jong-Un sa Kuala Lumpur, sinabi ni national police chief Khalid Abu Bakar kahapon.

Limang North Korean ang nasa wanted list sa pagpatay kay Kim Jong-Nam sa Kuala Lumpur International Airport noong nakaraang linggo. Kabilang sa mga pinaghahanap ang second secretary sa embahada ng Pyongyang sa Kuala Lumpur at isang North Korean airline employee, ani Khalid sa mamamahayag.

“We have written to the ambassador to allow us to interview both of them,” aniya.

Ayon kay Khalid, naniniwala ang pulisya na ang limang North Korean ay “heavily involved” sa pagpatay. Apat sa limang lalaki ang umalis sa bansa sa araw ng pagpatay habang ang isa ay nananatili sa kustodiya ng Malaysia.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina