NONIE AT SYLVIA_please crop copy copy

DAHIL nasunog na ang bahay ni Mama Gloria (Sylvia Sanchez) sa The Greatest Love ay kinailangan nilang lumipat ng tirahan.

Post ni Sylvia sa kanyang Facebook account, “Panibagong bahay, panibagong simula, pero papa’no? Kung kasabay nito ang ‘di na maitama ni Gloria ang pangalan ng mga mahal niya sa buhay? Abangan sa #kapamilyagold #tglwaybackhome #thegreateastlove #tgltv#abscbn #family #happiness #grateful #blessed #treasures #priceless#thankuLORD.”

Dahil bago ang bahay, lumipat na rin ng location ang The Greatest Love. Sa Quezon City na ang venue nila at hindi na sa Bulacan, kung saan nakatira si Mama Gloria kasama ang apong si Joshua Garcia o si Z.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nalaman namin na marami pa pala ang mangyayari sa kuwento ng The Greatest Love at tiyak na lalong maaawa kay Mama Gloria ang mga tagasubaybay dahil marami pa siyang pagdadaanang hirap.

Samantala, ilang araw na lang at haharap na sa dambana sina Mama Gloria at Peter (Nonie Buencamino). ‘Yun nga lang, hindi pa rin sinasabi sa amin kung saan ang venue ng kasal dahil parang nalalayuan sila sa Nasugbu, Batangas dahil beach wedding ang unang plano. (Reggee Bonoan)