Rihanna at Drake copy

MAHAL pa rin ni Drake ang kanyang RiRi! Bagamat naghiwalay na sila ni Rihanna noong nakaraang taon, hindi napigilan ang rapper para ipagdiwang ang 29th birthday ng Rude Boy singer sa kanyang concert sa Dublin, Ireland nitong Lunes.

“It’s somebody’s birthday today – somebody I have a lot of love for and a lot of respect for,” aniya sa kanyang mga tagahanga. “So, instead of singing Happy Birthday, though, we just gonna do this in Dublin tonight. Instead of singing Happy Birthday, we’re going to set it off just like this…,” at saka tinugtog ang kanyang collaboration song na Work.

Hindi kailanman nahiya si Drake na ipakita ang kanyang pagmamahal kay Rihanna, kahit tapos na ang kanilang relasyon.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Noong Agosto, siya ang nagprisinta ng Michael Jackson Vanguard Award kay Rihanna sa MTV VMAs at hindi niya naiwasang magsalita tungkol kay RiRi sa harap ng mga manonood.

“She’s someone I’ve been in love with since I was 22 years old,” ani Drake. “She’s one of my best friends in the world. All my adult life, I’ve looked up to her, even though she’s younger than me. She’s a living breathing legend in our industry.” (ET Online)