KUALA LUMPUR (AFP) – Ipinatawag ng Malaysia ang North Korean ambassador noong Lunes at sinita kaugnay sa pagbatikos ng Pyongyang sa imbestigasyon nito sa pagpaslang sa kapatid ng kanilang leader na si Kim Jong-Nam.

Limang North Korean ang suspek sa pagpatay sa paliparan noong nakaraang linggo, na ikinagalit ng Pyongyang at inakusahan ang Kuala Lumpur ng pakikipagsabwatan sa ‘’hostile forces’’ upang sirain ang reputasyon ng bansa.

Pinauwi ng Malaysia ang envoy nito sa Pyongyang at ipinatawag din si North Korean Ambassador Kang Chol, at pinagsabihan na ‘’baseless’’ ang mga akusasyon nito, saad sa pahayag ng foreign ministry.

‘’The ministry emphasized that as the death occurred on Malaysian soil under mysterious circumstances, it is the responsibility of the Malaysian government to conduct an investigation to identify the cause of death,’’ anila.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Nagsimula ang alitan nang tanggihan ng Malaysian police ang mga kahilingan ng North Korean diplomats na ibigay sa kanila ang bangkay ni Kim Jong-Nam matapos lumutang na ito ay nilason sa Kuala Lumpur International Airport.