JINKEE copy copy

BIKTIMA ng fake news si Jinkee Pacquiao na mantaking ibinalitang patay na raw.

Naka-headline sa naturang fake news ang “Confirmed: Jinkee Jamora-Pacquiao The Wife of Ex-Boxer Manny Pacquiao Shot Dead In Robbery Attack.”

In fairness kay Jinkee, mahinahon ang reaction niya sa mali at fake na balita tungkol sa kanya. Nag-pop siya ng, “PROOF OF LIFE!” at saka nag-quote ng “I know the Lord is always with me. I will not be shaken, for He is right beside me. Psalm 16:8.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Maganda sana kung mai-interview si Manny para malaman ang reaction na pinatay sa Internet ang kanyang misis.

(Nitz Miralles)