Anu-ano ang magagandang dahilan na maghihikayat kay Pangulong Rodrigo Duterte na muling makipag-usap sa mga komunistang rebelde?

Inihayag kahapon ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang apat na “compelling reasons” upang maipagpatuloy ang peace talks sa pagitan ng gobyerno (GRP) at ng Communist Party of the Philippines/New People’s Army/National Democratic Front (CPP/NPA/NDF).

Ang mga ito ay kinabibilangan ng pagtigil sa paniningil ng ‘revolutionary tax,’ paghinto sa pananambang sa mga militar, tuldukan ang panununog sa mga ari-arian, at tigilan ang provocation at mga karahasan.

Ayon kay Abella, ang mga nasabing hakbang mula sa NDF ang maaaring magbigay ng “compelling reason and could put at ease, to some extent, the apprehension of the military and the Administration.”

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“We need to take in good faith the President’s vision for a peaceful, just and inclusively prosperous Philippines. He has already taken the first steps forward. We wait for NDF to respond,” aniya sa isang text message.

Nauna rito nagpahayag ang Palasyo ng kasiyahan sa pagnanais ng mga rebelde na ituloy ang peace talks matapos mag-alok ang CPP na palayain ng NPA ang anim na prisoners of war (POW), apat na sundalo at dalawang paramilitary, na nahuli sa Alegria sa Surigao del Norte, Columbio sa Sultan Kudarat, Talakag sa Bukidnon at Lupon sa Davao Oriental.

Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na hangad din ng gobyerno na maipursige ang pangmatagalang kapayapaan. Gayunman, dapat magkaroon ng magandang rason para ituloy ang peace talks.

“We welcome and respect the positive position coming from the leadership of the CPP/NPA/NDF,” saad sa pahayag ni Dureza.

“On the part of the Philippine government, we share the same commitment to work for just and lasting peace in the land. When ‘compelling reasons,’ as President Duterte earlier announced, are present, then we in government shall take the next necessary steps,” aniya. (ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS)