Walang bagyo sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ito ang paglilinaw kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kasunod ng halos maghapong ulan sa Metro Manila at sa mga karatig-lalawigan kahapon.

Sa inilabas na weather advisory ng PAGASA, sinabi ng ahensiya na ang pag-uulan ay epekto lang ng umiiral na thunderstorm, at apektado rin nito ang ilang bahagi ng Cagayan Valley, Bicol, Eastern Visayas, Caraga, Davao at ang mga lalawigan ng Aurora at Quezon.

“Moderate to strong winds blowing from the East to Northeast will prevail over Luzon and over the eastern section of Visayas and Mindanao. The coastal waters along these areas will be moderate to rough. Elsewhere, winds will be light to moderate coming from the Northeast with slight to moderate seas,” saad sa advisory ng PAGASA. (Rommel P. Tabbad)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists