CHESAPEAKE CITY, Md. (AP) — Ibinibenta sa isang auction house sa Maryland ang telepono ni Adolf Hitler.

Ayon kay Bill Panagopulos ng Alexander Historical Auctions sa Chesapeake City, ibinigay ng Russian officers ang telepono kay Brig. Sir Ralph Rayner nang bumisita ito sa Berlin bunker ni Hitler.

Ibinebenta na ngayon ng anak ni Rayner ang pulang telepono na may Nazi party symbol at may nakaukit na pangalan ni Hitler.

Mabibili ang telepono sa halagang $200,000 hanggang $300,000 at sinabi ni Panagopulos na ang bidding ay magsisimula sa $100,000 ngayong linggo.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo