Naglalakihang printing machine ang kinumpiska ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kanilang pagsalakay sa mga tindahan sa Claro M. Recto Ave, Sta. Cruz at Quiapo, Maynila, iniulat kahapon.
Ayon kay Senior Supt. Belly Tamayo, ng CIDG-Anti-Transnational Crime Unit (CIDG-ATCU), nitong Huwebes ng hapon ginalugad ng mga operatiba ang mga nasabing lugar.
Isa-isang hinuli ang mga gumagawa ng pekeng dokumento gaya ng driver’s license, birth certificate, diploma at iba pang dokumento na kinakailangan sa paghahanap ng trabaho.
Kasong paglabag sa Article 172 ng revised penal code (RPC) o falsification of public documents ang kinakaharap ng mga suspek. (Fer Taboy)