AS we go to press, nabalitaan namin na naka-confine sa isang hospital si Alden Richards because of acute tonsilitis pharyngitis. Bagamat may fever pa rin si Maine Mendoza, hindi naman siya kinailangang i-confine. Kahapon, sinulat namin na tuluy-tuloy pa rin sa trabaho ang dalawa kahit parehong maysakit.
Samantala, nag-trending sa social media ang full trailer ng Destined To Be Yours (may hashtag na #DTBYFullTrailerOn24Oras) pagkatapos ipakita sa grand presscon at sa 24 Oras last February 14. Nakakuha ito ng one million tweets.
Sa trailer, nabuo sa isip ng ina ni Sinag (Maine) na si Sally (Janice de Belen) na mahilig manghula at marunong mag-paint kung sino ang destiny ng anak at ipininta niya iyon sa wall ng kanilang bahay. Sino pa nga ba kundi si Benjie (Alden), na fresh architecture graduate na kalaunan ay mami-meet nga ni Sinag. Kaabang-abang kung paano magkakakilala ang dalawang bida ng teleserye na may world premiere sa Lunes, February 27, pagkatapos ng Encantadia.
Dahil sa tema ng kanilang unang soap drama, naging topic sa presscon kung destiny nga ba ang pagkikita at pagtatambal nila.
“Opo, itinuturing ko naman po na siya na ang aking destiny,” sagot ni Maine. “Naiisip ko po talaga, dahil hindi po naman siguro ako mapupunta rito kung hindi po kami nagkakilala ni Alden.”
Naiisip ba niya na baka sila ni Alden ang nakatakda para sa isa’t isa sa totoong buhay?
“Opo, naiisip ko rin po naman siya,” nakangiting sagot ng dalaga.
Eh, si Alden?
“Yes po, hindi po nawawala sa isip namin ni Maine iyon, paano kung totoo? Pero wala po namang pressure sa amin iyon.
Ini-enjoy lang po namin ni Maine iyong mga moments namin together. Saka kung ano po ang nakikita ninyo sa amin ni Maine, totoo po iyon. We just let life play along, nagpapakatotoo lang po kami. Siguro iyon din ang nagustuhan ng mga fans sa amin, we’re keeping it real. Iyon pong kilig, natural na lumalabas sa amin ni Maine, hindi po pilit.”
Natutuwa rin sa phenomenal love team maging ang mga kasama nila sa teleserye.
“Ang ganda nilang panoorin, ang sweet nila sa isa’t isa, may chemistry sila, kaya no wonder na maraming nagmamahal sa kanila,” halos iisang pahayag nila.
Dasal lamang ng marami, lalo na ng AlDub Nation na may umiikot na prayers na sana’y gumaling agad sina Alden at Maine, dahil big promo ng Destined To Be Yours sa Sunday Pinasaya sa Linggo. (NORA CALDERON)