CAPAS, Tarlac - Humihingi ng katarungan ang walong pamilyang magsasaka sa Capas, Tarlac na puwersahan umanong pinalayas sa sinasaka nilang bukid at sinilaban pa ang kani-kanilang kubo sa Barangay Villar, Botolan, Zambales, nitong Martes ng hapon.

Ang walong pamilyang nagrereklamo ay residente sa mga barangay ng Sta. Juliana at Cut-Cut 2nd sa Capas, malapit sa Mount Pinatubo ng Zambales.

Ayon sa report ni PO3 Aladin Ao-as, abala sa bukid ang mga biktima nang dumating ang 15 armadong lalaki, na pinamunuan umano nina “Turing”, “Buro” at “Tuno”, at sapilitang itinaboy ang mga pamilya. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog