ASUNCION, Paraguay (AP) – Bibilangin ng mga empleyado ng Paraguay Central Bank ang halos 30 toneladang pera ng Venezuela na nasamsam sa isang pribadong bahay. Inaalam naman ng mga opisyal kung paano naipasok sa bansa ang napakaraming 50- at 100-bolivar bill.

Sinabi ng mga Paraguayan official na iniimbestigahan nila kung ilegal na ipinasok sa bansa ang pera. Isang tao pa lamang ang naidetine kaugnay rito – si Leandro Da Costa, ang may-ari ng bahay kung saan natagpuan ang pera sa border city.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na