Tiniyak kahapon ng Department of Transportation (DOTr) na hindi magreresulta sa pagtaas ng pasahe sa mga tren ang konstruksiyon ng common station ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT).

Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Legal Affairs Leah Quiambao, batay sa kanilang pag-aaral sa proyekto, walang magiging paggalaw sa pasahe sa pagtatayo ng P2.8-bilyon common station sa pagitan ng SM North EDSA at Trinoma, sakaling maaprubahan ito ng National Economic and Development Authority (NEDA).

“As far as the legal is concerned and under the instruction of (DOTr) Secretary (Arthur) Tugade, we made sure that there will be no concomitant increase in fares of the lines,” ani Quiambao. (Mary Ann Santiago)

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race