MULING winalis ng University of the East ang men’s at women’s division ng UAAP Season 79 fencing tournament nitong Sabado sa UST Quadricentennial Pavilion Arena.

Tinapos ng Red Warriors ang matagumpay na kampanya sa pamamagitan ng pag-angkin sa gold medal ng men’s team epee event.

Kinumpleto ng UE ang kanilang 5- peat championship sa pamamagitan ng pagkopo ng 4-2-2 gold-silver-bronze medal.

Ang tagumpay ang ika-11 pangkalahatang titulo para sa UE na sinundan ng University of Santo Tomas (2-2-2) at University of the Philippines (0-2-3).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tinanghal na MVP sa ikatlong pagkakataon ang graduating na si Nathaniel Perez.

Nadomina muli ng Lady Warriors ang women’s team epee at sabre events sa final day upang makamit ang ika-10 nilang titulo at ika-11 pangkalahatang kampeonato.

Nag-uwi sila ng .4-2-2, gold, silver at bronze medal kasunod ang Ateneo na may 1-2-3 tally, at UST na kumopo naman ng 1-1-1.

Nakaagaw naman ng eksena si Andie Ignacio matapos magwagi bilang season MVP, ang unang Lady Eagle na nagwagi ng nasabing parangal kasunod ni Victoria Grace Garcia noong 2007.

Nagwagi naman sina UP fencer Gerry Hernandez at RV Libarios ng Ateneo bilang men’s Rookie of the Year.

Samantala, winalis din ng Junior Warriors ang high school competition para sa ika pitong sunod na tagumpay sa boys class at ika-6 naman sa girls sa pamumuno nina Prince John Francis Felipe at Samantha Catantan na nagwaging boys’ at girls’ MVP. - Marivic Awitan