Mariya Savinova (AP Photo/Matt Dunham, file)
Mariya Savinova (AP Photo/Matt Dunham, file)

LAUSANNE, Switzerland (AP) — Binawi kay Russian runner Maria Savinova ang gintong medalya na napagwagihan niya sa 2012 London Olympics bunsod ng doping nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Bunsod nito, napipintong tanghaling two-time champion si Caster Semenya, ang kanyang ginapi sa finals.

Pinatawan ng apat na taong banned si Savinova ng Court of Arbitration for Sport.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ayon sa CAS, ang 31-anyos na si Savinova ay “found to have been engaged in using doping’ mula Hulyo 2010 hanggang Agosto ng 2013.

Noong 2014, natyempuhan si Savinova ng undercover footage ni Russian doping whistleblower Yulia Stepanova na sumasailalim sa ‘testosterone’ at ‘steroid oxandrolone’ procedure. Ang naturang footage ang naging susi para isailalim sa imbestigasyon ang Russia ng World Anti-Doping Agency.

Pansamantalang tumigil sa kompetitibong laban si Savinova noong 2013 at naghahanda siyang magbalik aksiyon nang maaktuhan ng surveillance video.

Ayon sa International Olympic Committee (IOC), ipagkakaloob ang gintong medalya kay Semenya, kampeon sa naturang event nitong Rio Olympics.

Ang bronze medalist sa naturang event na si Ekaterina Poistogova ng Russia ay sumasailalim din sa imbestigasyon. Sakaling mapatawan din ng banned, mapupunta kay Pamela Jelimo ng Kenya ang silver at ang bronze kay Alysia Montano ng United States.