Dahil sa sunud-sunod na insidente ng sunog sa Metro Manila, nanawagan ang Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP) sa mamamayan na doblehin ang pag-iingat upang makaiwas sa sunog.
Nagpaalala si QC Fire Marshall F/Sr. Supt. Manuel M. Manuel sa lahat ng mamamayan sa lungsod, partikular sa mga nakatira sa squatter’s area, na gawing araw-araw ang fire prevention at magkaroon ng home fire drill sa mga barangay.
Ayon sa BFP, kapag umalis ng bahay ay patayin ang lahat ng kuryente upang makaiwas sa short circuit na nagiging sanhi ng sunog. Bigyan ng kaalaman ang mga bata hingil sa pag-iwas sa sunog at pagbawalan silang maglaro ng posporo, lighter at kandila. Magkaroon ng kahit maliit na fire extinguisher o nakahandang tubig sa drum at timba laban sa sunog. - Jun Fabon