Isang magarbong Valentine’s Day event na tinawag na “Baywalk Manila: A Night to Remember” ang inihanda ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada para sa mga Manilenyo sa Martes.

Gaganapin ito sa Baywalk sa Roxas Boulevard, sa harapan ng Raja Sulayman Park, sa Malate, dakong 4:00 ng hapon.

Tampok sa programa, na pangungunahan ng Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau (MTCAB), ang paglulunsad ng video production na pinamagatang “Manila Water Bucket Challenge” na kasamang hamon-imbitasyon ng Rowers’ Club of the Philippines sa publiko na magbuhos ng isang timbang tubig na nagmula sa Manila Bay.

“This would signal the commitment of those who would accept the challenge to help clean up Manila Bay,” sabi ni MTCAB chief Liz Villasenor. (Mary Ann Santiago)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20