Mga laro ngayon San Juan Arena

8 a.u. -- NU vs Adamson (m)

10 nu. -- Ateneo vs FEU (m)

2 n.h. -- NU vs Adamson (w)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

4 n.h. -- Ateneo vs FEU (w)

NAITALA ng University of the Philippines ang kanilang ikalawang sunod na panalo para makahanay sa liderato ng men’s division kasama ng defending champion Ateneo de Manila at Far Eastern Universitykahapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 men’s volleyball tournament sa San Juan Arena.

Pinataob ng Fighting Maroons, sa pangunguna ni setter Jerahmeal Baldelovari ang University of the East Red Warriors, 25-15, 25-21, 23-25, 25-16.

Nagtapos na topscorers para sa Maroons sina Alfred Valbuena at Gian San Pascual na nagsipagtala ng tig-15 puntos, kasunod si Wendel Miguel na may 14 puntos sa tulong ni Baldelovar na nagposte ng 40 excellent set.

Nalaglag naman ang Red Warriors na pinangunahan ni Season 77 Rookie of the Year Edward Camposano na may 21 puntos sa ikalawang sunod nilang kabiguan kasalo ng Adamson sa ilalim ng standing.

Sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayong hapon, muli namang masusubukan ang tibay ng NU Lady Bulldogs na itataya ang kanilang pamumuno kontra wala pang panalong Adamson sa unang women’s match ganap na 2:00 ng hapon.

Magkaroon ng maayos na reception at composure sa kabuuan ng laban ang inaasahan ni NU coach Roger Gorayeb sa kanyang koponan na target ang ikatlong sunod na tagumpay kontra Lady Falcons na hiking tinalo ng Far Eastern University Lady Tamaraws.

Mag uunahan namang makapagtala ng ikalawang panalo ang Lady Tamaraws at Ateneo Lady Eagles sa pagtutuos nila sa tampok na laro ganap na 4:00 ng hapon.

Tatangkain ng Lady Tams ang back to back wins kasunod ng straight sets win kontra Adamson matapos mabigo sa defending champion LA Salle sa una nilang laban habang magsisikap namang makabawi ng Lady Eagles sa kabiguang nalasap sa kamay ng NU sa ikalawa nilang laro. (Marivic Awitan)