Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

8 n.u. -- UE vs UP (m)

10 n.u. -- La Salle vs UST (m)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

2 n.h. -- UE vs UP (w)

4 n.h. -- La Salle vs UST (w)

MAKISALO sa National University sa liderato ng women’s division ang hangad kapwa ng University of the Philippines at defending champion De La Salle sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayong hapon sa UAAP Season 79 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Magtatangka ang Lady Maroons at Lady Spikers na masundan ang nauna nilang tagumpay sa pagsalang sa magkahiwalay na laban ngayong hapon, ang una kontra University of the East Lady Warriors at ang huli laban sa season host University of Santo Tomas Tigresses ganap na 4:00 ng hapon.

Mauuna rito, maghaharap din ang kani- kanilang men’s squad, ang Red Warriors at Fighting Maroons sa pambungad na laban ganap na 8:00 ng umaga at ang Green Spikers at Tigers ganap na 10:00 ng umaga.

Tinalo ng Lady Maroons para sa una nilang panalo ang Adamson Lady Falcons habang nanaig naman ang Lady Spikers kontra Far Eastern University Lady Tamaraws.

“UE has improved a lot. Kaya dapat ready kami especially with our defense,” pahayag ni UP coach Jerry Yee.

Para naman kay coach Ramil de Jesus, mga beterano ang manlalaro ng UST na sina EJ Laure, Cherry Rondina, Pam Lastimosa, Chloe Cortez at Ria Meneses kung kaya kailangan nilang paghandaang mabuti ang laban.

Muli, sasandig ang Lady Spikers kina Kim Fajardo, Kim Dy , Dawn Macandili at Majoy Baron para mamuno sa laban nila kontra Tigresses na iiwas namang malaglag sa ikalawang sunod na kabiguan pagkatapos matalo sa unang laro kontra Ateneo Lady Eagles. (Marivic Awitan)