Kakaibang triple-double ni Green sa Warriors.

MEMPHIS, Tennessee (AP) — Pambihira ang markang naitala ni Draymond Green sa panalo ng Golden State Warriors kontra Memphis Grizzlies, 122-107, nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Umiskor lamang ang emosyunal na forward ng apat na puntos, ngunit naitala niya ang 12 rebound, 10 assist at career-best 10 steal para sa pambihirang career triple-

double.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hataw si Klay Thompson sa naiskor na 36 puntos, habang kumubra si Kevin Durant ng 24 puntos at tumipa si Andre Iguodala ng 22 puntos para sa unang panalo ng Warriors sa tatlong pakikipagtuos sa Grizzlies.

Nagsalansan si Stephen Curry ng 18 puntos para sa ika-45 panalo ng Golden State sa 53 laro.

Nanguna si Mike Conley sa Memphis (33-23) sa natipang 20 puntos.

NUGGETS 131, KNICKS 123

Sa New York, naisalansan ni Nikola Jokic ang career-high 40 puntos sa panalo ng Denver Nuggets kontra sa Knicks.

Sa araw nang ipalabas ang desisyon ng Knicks management para i-banned si dating Knicks star Charles Oakley sa Madison Square Garden, tuluyang nabilad sa publiko ang kakulangan sa depensa ng bagong grupo ng Knicks taliwas sa istilo nang mamayagpag ang grupo ni Oakley sa dekada 90.

Nag-ambag si Wilson Chandler, ipinamigay ng Knicks sa isang trade, ng 19 puntos, habang kumasa si Jameer Nelson ng 16 puntos at 12 assis para sa Denver.

Nanguna si Carmelo Anthony sa Knicks sa naiskor na 33 puntos, habang nag-ambag si Kristaps Porzingis ng 17 puntos.

Puwersahang pinalabas sa Garden at ipinaaresto si Oakley nitong Miyerkules bunsod umano ng pambabastos kay Knicks owner James Dolan. Itinanggi ni Oakley ang akusasyon. Sa first period ng laro, ipinadama ng mga tagahanga ang suporta kay Oakley sa pamamagitan ng hiyawan na “We want Oakley!” at “Free Charles Oakley!”.

HEAT 108, NETS 99

Sa New York, naitala ni James Johnson ang season-high 26 puntos para hilahin ang winning streak ng Miami Heat sa 13 sunod sa panalo kontra Brooklyn Nets.

Ratsada rin si Goran Dragic sa naiskor na 21 puntos, habang kumubra si Tyler Johnson ng 18 puntos.

Ang 13 sunod na panalo ng Miami ang ikatlong pinakamatikas na winning streak sa kasaysayan ng prangkisa at pinatikamatikas sa kasalukuyang season.

Nanguna si Brook Lopez sa Nets sa naiskor na 30 puntos.

PELICANS 122, TIMBERWOLVES 106

Sa Minneapolis, kumubra si Anthony Davis ng 42 puntos at 13 rebound para patunayan ang katatagan laban kay Karl-Anthony Towns sa panalo ng New Orleans kontra Minnesota.

Kumawala si Davis sa 16-of-22 shot, kabilang ang dalawang 3-pointer, habang humugot si Jrue Holiday ng 25 puntos at 12 assist para sa matikas na panalo ng Pelicans bago ang All-Star break.

Nagtumpok si Towns ng 36 puntos, at kumubra si Andrew Wiggins ng 29 puntos.

Sa Iba pang laro, ginapi ng Washington Wizards ang Indiana Pacers, 112-107; diniskaril ng San Antonio Spurs ang Detroit Pistons, 103-92; pinabagsak ng Los Angeles Lakers ang Milwaukee Bucks, 122-114; naihawla ng Sacramento kings ang Atlanta Hawks, 108-107; at pinausukan ng Phoenix Suns ang Chicago Bulls, 115-97.

Nanguna si Brook Lopez sa Nets sa naiskor na 30 puntos.

PELICANS 122, TIMBERWOLVES 106

Sa Minneapolis, kumubra si Anthony Davis ng 42 puntos at 13 rebound para patunayan ang katatagan laban kay Karl-Anthony Towns sa panalo ng New Orleans kontra Minnesota.

Kumawala si Davis sa 16-of-22 shot, kabilang ang dalawang 3-pointer, habang humugot si Jrue Holiday ng 25 puntos at 12 assist para sa matikas na panalo ng Pelicans bago ang All-Star break.

Nagtumpok si Towns ng 36 puntos, at kumubra si Andrew Wiggins ng 29 puntos.

Sa Iba pang laro, ginapi ng Washington Wizards ang Indiana Pacers, 112-107; diniskaril ng San Antonio Spurs ang Detroit Pistons, 103-92; pinabagsak ng Los Angeles Lakers ang Milwaukee Bucks, 122-114; naihawla ng Sacramento Kings ang Atlanta Hawks, 108-107; at pinausukan ng Phoenix Suns ang Chicago Bulls, 115-97.