Patay ang isang bagitong arkitekto matapos umanong tumalon mula sa ikalimang palapag ng isang mall sa Barangay Wack-wack, Mandaluyong City, kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot si Joshua Jeric Abalos, 24, ng 42 Pacweld Village, Marulas, Valenzuela City, matapos na bumagsak sa basement ng SM Megamall Building A, sa Bgy. Wack-wack.

Sa ulat na ulat na natanggap ni Mandaluyong City Police chief Police Senior Supt. Joaquin Alva, dakong 5:25 ng hapon tumalon umano ang biktima na nadiskubre ni Charles Lamera, manager sa mall.

Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng SM Megamall emergency response team at isinugod ang biktima sa Medical City ngunit patay na ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Base sa imbestigasyon, sinadya ng biktima ang pagtalon matapos madiskubre ang isa umanong suicide note sa loob ng kanyang bag. (Mary Ann Santiago)